8:10 AM

Paloma or Rosalinda: Geoff and Carla pick their choice

Source: igma.tv


Habang painit ng painit ang mga eksena sa Rosalinda, inalam namin kina Geoff at Carla kung sino ba talaga ang mas matimbang, ang palaban na si Paloma o ang mabait na si Rosalinda? Text by Erick Mataverde. Photos by Joselle Custodia.


"For me, I love Rosalinda, pero mas pipiliin ko si Paloma. Kasi mas marunong na siyang lumaban, she already knows how to stand up for herself and hindi na siya naapi," ang sagot ni Carla Abellana sa amin. "Mas gusto ko naman 'yung ganun, ayaw ko nung palaging kawawa. Si Rosalinda naman palaban din naman and for all the good reasons."

Para kay Geoff Eigenmann naman palaisipan para sa kanya ang dalawang pagkatao ni Carla sa Rosalinda.

"Very different nga ‘yung dalawang character na 'yun. Pero as Fernando Jose, una niyang minahal si Rosalinda eh. Kahit na kakilala niya si Paloma. In the end, ‘yung first love pa rin niya [ang pipiliin niya]," tugon niya.

Dagdag pa ni Geoff, "[In] real life naman, they're both very different, they're both very beautiful – iba ‘yung characters nga nila. Parehong may pros and cons. Like si Rosalinda – family oriented and all that. Si Paloma naman, ‘yung [pagiging] palaban niya – which is very admirable also. I'd say a little of both, the good qualities of each character."



Actually, Geoff confessed na mas nakikitaan pa nga niya ang kanyang sariling karakter ng mga mali.

"Ako naiinis din ako kay Fernando Jose paminsan-minsan. Kasi minsan ang tigas ng ulo," kuwento niya. "But siyempre, pagka mahal mo naman ang isang tao, ipagpipilit[an] mo naman talaga. Lawyer siya, kailangan maging logical din. So in the end what you want will succeed."

And as Rosalinda nears its final weeks, madami nang mga hindi makalimutang mga eksena ang dalawa on- and off-cam.

"Ang dami naming memorable moments ni Fernando Jose. First wedding scene namin, yung first kiss namin – pero for me pinakamemorable yung proposal, ‘yung wedding proposal," salaysay ni Carla. "Kasi off-cam kabadong-kabado si Geoff nun. Na-feel niya ata na totoo ‘yung proposal, kinabahan siya ng husto. Hindi ko alam kung bakit. ‘Yun’ yung memorable kasi masaya noon."

And what will happen to their love team after Rosalinda? Hindi pa natin alam, ngunit for both Geoff and Carla they are very hopeful na patuloy pa rin ang kanilang tambalan.

"Maha-haba na ang pinagsamahan namin. Of course simula pa lang din ito," sagot ni Geoff. "Sigurado na magsasama pa kami sa other projects in the future, of course, 'yung bond namin lalalim ng lalalim di ba?"

Sinang-ayunan naman ito ni Carla, "Masaya kami na close na kami sa isa't-isa, and we know for a fact that we will be closer."